BUCO LOVERS

Friday, June 4, 2010

Ampalaya Bits and Lollipops

April 20, 2009 

 
     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Nakakaaliw talagang pagmasdan ang pamangkin ko. Ang maamo nitong mukha na di kakikitaan ng anumang bahid ng problema. Ang tanging banaag sa maamo nitong mukha ay ang kasiyahan na dulot ng pagdila sa natutunaw, matamis at malamig na icecream;panandaliang lunas sa   nararamdaman nitong init dala ng summer. Maamo talaga n g mukha ng pamangkin ko. Siyempre pa kanino pa magmamana kundi sa lahi din namin. Di naman sa pagmamayabang nakakaangat naman ng konti sa nakakrami ang itsura ng aming angkan. hindi lang siguro artistahin na maituturing  pero hindi naman maituturing  at masasabing pinagkaitan ng mukha in short- PANGET.
     Naisip ko lang nakakainggit ang pagiging bata. Puno ng kasinosentehan, puno ng pag-asa, ng pangarap, ng buhay. Samantalang tayong mga may edad na at meron ng sariling pag-iisip ay puno ng agam-agam sa buhay. Naalala ko pa noon na ang tanging iniisip ko lang nung bata ako ay ang makapanood ng paborito kong anime ang X-men, at mga palabas pambata tulad ng Jetman,Power Rangers et cetera et cetera. Yun kasi ang uso noon. Di ka in kong hindi ka nakapanood nun. Kasi basta sa recess yun ang usapan ng lahat. Kung paano natalo ng mga X-men ang mga Sentinels. Yung Paglipad ng mga Jetman at  kung ano ung bagong natutunan sa Sineskwela at ATBP. Those were the times when we as  children are carefree and so vigorous. Ang sarap balik balikan ang nakaraan lalo pat kunh ang childhood mo’y puno ng kulay.
     Samantalang ngayon, wala na akong pagkakataong  para maging bata. Siguro may mga panahong isip bata ako pero isinasantabi ko yun tulad ng ginagawa ng ibang tao. Ganun na ang kalakaran pag tumatanda ka na. Dapat kelangang seryosohin mo ang mga bagay na nakaatang sayo.-Trabaho, pamilya, problema,mga event na kelangan attend-nan at marami pang iba na talaga namang ikakasakit ng ulo mo. Sa pagtanda kasi natin, nawawala na ang mundong nilikha natin nung tayo pa’y bata. Paano nawawala? Untiunti iyong tinitibag ng reyalidad. hindi pala palaging good night at sweet dreams ang sistema. Maraming pagkakataon na laging may monsters sa ilalim ng mga kama natin. Dinadalaw tayo lagi ng mga nightmares kahit pa gamitan natin ito ng pagkadami daming mga dream catchers. Habang lumalaki tayo nabubuo satin na ang tunay na kulay ng mundo at kung ano talaga ang kalakaran ng reyalidad. Hindi pala cotton candy at milyong milyong lolllipops at nips pero meron rin palang ampalaya bits at kalamansi pure juices. Mapait at maasim ang mundo sa sarili nitong paraan. 
     Ngayon ko lang talaga napagtanto,masarap na masarap talagang maging bata. Parang eksena na lagi kang umiinom at kumakain ng mga gusto mo. Napapaligiran ka ng maraming Chuckie, ng Mister Donut, ng Yakult at milyong milyong cake mula sa Red Ribbon. Nagpapakabundat ka at kumakain ng matamis palagi,walang bahid ng problema, ng responsibilidad at ng reyalidad ng mapait,maasim at mapanghusgang mundo. Ganun ang mundo mo pag bata pero darating yung panahon na unti-unti kang masasaktan, mananakit ang iyong mga ngipin dala ng di mo pagtototbrush. Nabungal ka at nabulok ang iyong mga ngipin.
     Ito na yung panahon na kelangan mo ng iwanan ang buhay bata dahil hinuhubog ka na ng mapaglarong mundo. Kelangan mo ng magpabunot ng ngipin kaparehas ng pagbunot sa iyo ng iyong kainosentehan at pagiging bata. Dahan dahang tutubo ang bagong mga ngipin tulad ng pagtubo ng bagong mga ideyolihaya at mga pananaw  sa buhay pag tayo’y lumalaki na. Ang iba nagpupustiso na, tulad ng ibang tao na nagususot ng maskara dahil hindi makayanan ang mga bagong hamon ng kanilang buhay.
     Ang mga bagay siguro na nagpapangii sakin habang nagkakaisip ay iyong ideyang hindi lang ako lumalaki, kundi unti unti din akong nagkakaisip. Namumulat sa mga bagay na bago sakin; mga bagay na hindi mo malalaman at maiintindihan kung bata ka. Lumalakas ka at hindi ka na iyong uhuging bata na laging walang laban sa mga kalaro mong mga demonyito. Lumalawak ang dimensyon ng iyong mundo. Hindi nalang iyong bahay-bahayan ninyo ni Nene o yung Candy house ni Hansel at Gretel. hindi na ganun ang sakop mo. Bagkus, para kang si Alexander The Great na tagumpay na sumasakop ng iyong teritoryo.Kung sakin, pagmemedical ninja, pagsusulat at musika ang dimensiyon ko; iba naman ang sa iyo. Iba din ang sa ibang tao.Ganun ang nagyayari, at masaya ako na malaya tayo kung ano ang pwede nating gawin, kung ano man ang pwede nating gustuhin. Iyon nga lang hindi laging pabor lagi ang panahon satin. Kung bata tayo ay laging sunny day sa pagtanda natin minsan constant ang stormy days ganun talaga kasi ang kalakaran ng mundo at dahil matanda na tayo’t may isip alam na natin ang pait ng reyalidad.
     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Sana ganun din tayong mga matatanda mulat tayo sa katotohanan ng buhay pero pwede parin tayong kumain ng icecream at mamuhay sa Candy house. Sana… sana.. pero hindi eh, hindi ganun ang kalakaran ng makatotohanan at mapait na mundo ng reyalidad.Hindi sunny days,candies at  sweet lollipops ang kalakaran bagkus ampalaya bits, grow up, be responsible and die ang tema.

     Reality bites.Aray…

3 (mga) puna:

Renz said...

BASE ako.. Ang sarap talaga pag bata ka kaya dapat enjoyin mabuti. sabe nga We can't have all things at the same time. panapanahon lang. Enjoy every bitterness and sweetness of life :]
Nice entry

rico de buco said...

@renz: salamat repost din to hehehe

Nimmy said...

super enjoyed this entry dude. realized a lot of things. :)