Many are called but few are chosen. Parang ganun din sa isang contest, sa libo- libong mga taong nag-aaudition sa isang contest, kaunti lang ang pinagpapala, minsan dumarating , nagiging mas masaklap pa ang mga pangyayari at isa lang ang nagwawagi. Matira ang matibay ika nga nila.
Hindi na rin ako bago sa pakikilahok sa mga patimpalak. May mga ilan na akong sinamahan noong nasa elementary palang ako. Noong hayskul, meron din pero noong kolehiyo hindi na ako sumama at nakuntento nalang ako sa glee club at sa paminsan-minsang raket ng banda naming hindi pa sumisikat pero nalaos na kaagad.
Hindi ninyo naitatanong, una ko talagang mahal ang pagkanta. Pangalawa nalang siguro ang pagsusulat. Eto iyong outlet ko noon ng bata pa ako kahit ngayon nagkaisip na ako, eto ba iyong tinatawag kong perslab. Nalaman ko nalang kasi na may talent ako sa pagsusulat noong hayskul na ako. Hindi ko naman eto inaasahan . Nagpasa kami ng essay noon para sa isang subject at presto iyon nap ala iyong qualifying round para makapasok sa school publication. Doon ako nagsimulang magsulat, doon ako unang nabinyagan sa panitikan.
Maiba tayo, noong isang araw aksidente akong napasama sa isang patimpalak sa pagkanta. Hindi ko inaasahan na mapapalaban ako ng biglaan. I was there unequipped but still headed to the battle.
Isang gabi nagteks ang isang kaibigan ng isang balita. Nagaaaya na manood ng audition ng isang patimpalak telebisyon. Ako naman dahil inip na sa bahay at buro na dahil hindi nakakalabas ng matagal ng panahon ay umayon sa kanyang ideya. Kinabukasan, nagkita kami sa isang lugar kong saan gaganapin ang kontes. Wala sa sariling nakipila kami at kumuha ng audition numbers para makapasok sa loob ng lugar.
Alam mo ba iyong X- FACTOR? Oo, iyon nga. Doon kami tutungo. Manonood, mambuburaot sa mga kontesero at konteserang pangarap na maging bituin..someday..somewhere..somehow..inihaw. Pagdating sa loob ng bulwagan, bumulaga samin ang mga kababayang Pangasinense who’s believing that they have what it takes, ang “IT “ factor na hinahanap ng mga talent scouts kuno.
May aaaminin ako. Wag kang maingay ha, pero ang totoo niyan deep within my broken heart (hahaha) gusto ko ding sumama sa kontes. Iyon nga lang naunahan ako ng hiya dahil halos lahat ng mga nandoon ay kakilala ko na. May iba nakasama ko sa glee noong college ako, iyong iba kasama ko naman sa church choir dati at iyong iba, kapitbahay ko lang. Pakyeme lang ako ..pero wag ka pilitin mo ako at hehehe sasama ako.
Maarte kasi ako, hihihi. Ayaw ko naman kasing maging desperado sa mata ng publiko at ika nga ni Toni G. “….ng Philippines and the whole world.” Ayaw kong maging trying hard pero sa totoo lang matagal ko ng pangarap ang maging singer(songer LOL). Sabi ko naman sa inyo di ba , “singing is my perlab!”
Dahil dinaga na nga ang inyong lingkod, sinabihan ko na ang kaibigan ko na umalis muna at maglakad lakad upang magpatay ng oras. Hapon na ng kami ay bumalik sa lugar upang makiusyoso nang biglang inatake ako at sinapian ng ispirito ni Deeva( tama ba ang spelling? Zenki at ang kuko ni Deeva????!!)
And then another chapter unfolds and I became a fighter….street fighter.
Susunod….
May kasunod..
Abangan

4 (mga) puna:
sa mga napapanuod kong episodes nito, kinakabahan talaga ako,
parang super hirap makapasok
hehehe
come on! di nman masama mangarap, yan ang tanging hindi malagyan ng tax ng kahit sinong presidente noh,
:))
bitin naman. next. nagaudition ka o hindi?waaah
aabanangan kita ang x factor pinas... pakibati mo naman ako... "Spiky from Albay" yan sabihin mo please.
hahahahahaha.
nice post and good luck po. :)
kelangan talaga bitin? LOL!
Post a Comment